Friday, June 8, 2012

I Summon Confucius! :P

..bakit hanggang ngayon hindi ko magets na ang purpose pala talaga ng pagttrabaho e para yumaman?? O_o

..let me share something...a lot of fresh grads na students ko nung professor pa ako chat with me and asking for work here in the company i work for. and over 80% of these conversations were like this:

"kahit anu pong trabaho, pag-iigihin ko po, basta magkatrabaho lang."

..and that's just plain wrong.

- marunong ka ba mag.program? "medyo lang po"
- marunong ka mag.drawing? "hindi po"
- mahilig ka mag.laro ng games? "opo"
- okay,anong uri ng games, casual o hardcore? "..uhh..casual ata po? ano po ba pag angry birds?"
- casual. alam mo bang walang training training dito?direchong sabak agad sa pag.gawa ng games? "ah,eeehh"
- do you even want to be here at all? "..kasi po dun po sana ako sa mga systems and networking and shit"
- boring. ni hindi mo pala alam kung anu trabaho dito. pwes dun ka pumunta. di ka tatagal dito. "kahit po janitor?"
- O_o seriously? matanong nga kita, bakit ka ba magttrabaho? "pressure from parents po. saka po para YUMAMAN."

- nakupow.

..it's not always about the money. kung money lang motivation nyo, hindi kayo magiging successful sa buhay, pramis.

..take some time to ask yourself kung ano yung gusto nyo talaga gawin sa buhay... yung tipong magagawa nyo for the rest of your life and yet di ka nakakaramdam ng kung anu mang stress... kapag nalaman nyo kung ano yun, hanap kayo ng work na babagay dun sa gusto nyo.
..and... parents' pressure? sus...they pressure you not because they want money. they pressure you kasi malaki ang tiwala nila sa inyo. excited lang mga yun, para may maipagmalaki na sila sa mga kapitbahay, "wala kayo sa anak ko!" ..oha.

..magtrabaho kayo hindi dahil sa pera, hindi para YUMAMAN.

..magtrabaho kayo para magamit ang natutunan nyo sa school. magtrabaho kayo para yung pinagtrabaho nyo e makatulong sa mga mahal nyo sa buhay (iba yan sa "para yumaman"). at higit sa lahat, magtrabaho kayo para sa sarili nyo. self-fullfilment, ika nga.

“Find a job you love and you’ll never work a day in your life” - Confucius.

No comments:

Post a Comment