Wednesday, June 20, 2012

Monkeys. :P


..am i bad?

..am i bad to be annoyed sa kasama ko dito sa apartment?
..na tuwing gabi e pagkakalakas-lakas ng boses na puro english pinagsasasabi habang may kausap sa phone?
..pero in fairness magaling sya mag english pero is that really necessary? di kaya nagpapahanga lang ang mokong na to sa lahat ng kasamahan namin dito? payag ako kung amerikana yung kausap nya pero i doubt it kasi once in a while bigla silang magtatagalog.
..and on top of that, he has this habit of going in and out of his room, tapos paiba iba ng suot, tapos rumarampa sa harap ko papunta sa mirror; minsan with matching hat pa. he does this like 10 times every night. wadapak? di ba pwedeng sa umaga yan before ka pumasok sa work? kasi nakakadistract eh. buti sana kung puge, e muka namang unggoy.sorry >_<
..i tried na magparinig tonight, kasi nakakaasar na talaga. umiling iling ako,nagmura ng malakas nung dumaan sya, i even gave him the f*ck you finger na di gaano halata.

..and i think parang i heard him crying sa loob ng kwarto nya just now.

..lagot. hehe.

.....kakaguilty. :(

..JOKE. mission accomplished. :)



Tuesday, June 19, 2012

Suntukan na lang! >:|

..potek, sarap saktan nung mga naniniwala sa "facts" daw na shineshare dito sa facebook. recent ko nakita e yung ipis daw yung shrimp.
..t*ngena, o e ano? ang sarap ng shrimp, jusko. may sarili kayong mga pag uutak at pag iisip. tapos kumalat lang sa facebook na ganun e nagbago na agad pananaw nyo? kaya di tayo naasenso eh. tsk.


..kalma lang. hahahahahaha.

Thursday, June 14, 2012

Suckers. >:)

..humans will always be subconsciously afraid of death, whether he believes in a supreme being or not..
..bottom line is, honestly people are just so afraid of what happens after death hence the "need" to believe that there's life after death -- and ultimately, a god. :)


..dami ang naka-mis interpret nyan nung pinost ko yan sa facebook. kala nila nagbalik loob na ko and ni-like pa. suckers. :))

Monday, June 11, 2012

I love god! LOLz :P

.. *insert quotation about your god here* blah blah blah.

..sana lang mapanindigan nyo paniniwala nyo peeps. di yung gagawa at gagawa din pala kayo ng kasalanan todo promote pa kayo sa god nyo. :)


..and,just a reminder:


..wag na wag nyo icoconvince maniwala sa diyos ang isang non-believer. mapapahiya lang kayo. promise. :)

Friday, June 8, 2012

I Summon Confucius! :P

..bakit hanggang ngayon hindi ko magets na ang purpose pala talaga ng pagttrabaho e para yumaman?? O_o

..let me share something...a lot of fresh grads na students ko nung professor pa ako chat with me and asking for work here in the company i work for. and over 80% of these conversations were like this:

"kahit anu pong trabaho, pag-iigihin ko po, basta magkatrabaho lang."

..and that's just plain wrong.

- marunong ka ba mag.program? "medyo lang po"
- marunong ka mag.drawing? "hindi po"
- mahilig ka mag.laro ng games? "opo"
- okay,anong uri ng games, casual o hardcore? "..uhh..casual ata po? ano po ba pag angry birds?"
- casual. alam mo bang walang training training dito?direchong sabak agad sa pag.gawa ng games? "ah,eeehh"
- do you even want to be here at all? "..kasi po dun po sana ako sa mga systems and networking and shit"
- boring. ni hindi mo pala alam kung anu trabaho dito. pwes dun ka pumunta. di ka tatagal dito. "kahit po janitor?"
- O_o seriously? matanong nga kita, bakit ka ba magttrabaho? "pressure from parents po. saka po para YUMAMAN."

- nakupow.

..it's not always about the money. kung money lang motivation nyo, hindi kayo magiging successful sa buhay, pramis.

..take some time to ask yourself kung ano yung gusto nyo talaga gawin sa buhay... yung tipong magagawa nyo for the rest of your life and yet di ka nakakaramdam ng kung anu mang stress... kapag nalaman nyo kung ano yun, hanap kayo ng work na babagay dun sa gusto nyo.
..and... parents' pressure? sus...they pressure you not because they want money. they pressure you kasi malaki ang tiwala nila sa inyo. excited lang mga yun, para may maipagmalaki na sila sa mga kapitbahay, "wala kayo sa anak ko!" ..oha.

..magtrabaho kayo hindi dahil sa pera, hindi para YUMAMAN.

..magtrabaho kayo para magamit ang natutunan nyo sa school. magtrabaho kayo para yung pinagtrabaho nyo e makatulong sa mga mahal nyo sa buhay (iba yan sa "para yumaman"). at higit sa lahat, magtrabaho kayo para sa sarili nyo. self-fullfilment, ika nga.

“Find a job you love and you’ll never work a day in your life” - Confucius.

Wednesday, June 6, 2012

Life Changing Decision.. :(

..decisions,decisions..
..my dad's gonna buy me a Playstation 3 for my birtrhday (June 23)
..even though excited ako, bigla ko naalala na matagal na namin pangarap sa bahay na magkaron ng Wii; which is more family-oriented than the PS3; mas mura pa.
..naguguluhan ako... 
..PS3 ba para finally malaro ko na ng ayos ang Final Fantasy XIII and Castlevania: Lords of Shadow?
..o Wii para makapaglaro din ang mga kasama ko sa bahay?
.. :/
.. decisions, decisions..

Monday, June 4, 2012

Lunch in London >:)

..i'm sorry sa mga tatamaan,.. even my parents somewhat tatamaan dito..hahaha..

..honestly, hindi ako natutuwa sa old classmates ko na nagppost ng status message nila kung pano sila magyabang at magmalaki na sa ibang bansa sila nagwwork.. (ex. mainggit kayo sakin kasi ang galing galing ko sa ibang bansa ako nagwwork! LOL.)
..hindi kayo nakakatuwa. nakakatawa kayo.
..kasi ako,personally, kung pupunta ako ng ibang bansa, hindi para magpaka effort sa pagttrabaho; pupunta ako sa ibang bansa para magbakasyon.
..pwede kayong umasenso sa Pilipinas kung gugustuhin nyo; kelangan lang gamitin ang kokote nyo at konting diskarte.
..ako i'm not there yet pero i know someday kaya kong magpost sa facebook ng shit like "i'm here in f*&ing London just to buy my f&$ing lunch then balik ako dyan sa Manila" or something. mas worth it ipagmalaki yan, pramis.

..uhm, peace! ^_^