Friday, March 22, 2013

I'm sorry...

It's 9:30pm and uber sakit ng ulo ko.

I know this blog should be about me and my rants about random shit, but lately things are getting really out of hand.

And, for this particular post, I will be addressing someone that is close to my heart.

Yeah, ikaw. Ikaw na di pa nababasa ang kahit anong laman nitong blog na to. Nabasa na 'to ng ex ko, ng best friend ko na babae, even my ex wife i think nakabisita na dito; along with all the Facebook friends ko na may pakelam sakin.

Pero I don't know if papabasa ko ba sa'yo 'to or not; unless mabasa mo 'to ng di sinasadya dahil may nagchismis sayo and i'm very sure mangyayari yan.

Alam mo ba kung sa'n tayo nag-simula?

Sa text.

Nung una getting to know each other chuchu muna, as usual. Tapos nung nagtagal you told me that you're interested in me; and dun na din nagsimula yung 'panliligaw' mo. Tigas ng mukha ko 'no? Ako pa talaga ang niligawan? Somehow,alam ko namang ang main challenge sa'yo nung time na yun e para mapaamo ako, para subukan na mapa-ibig ako. And don't even try to deny the 'challenge' part, kasi may basehan ako which is kaw din naman ang nagkwento.

Pero sige, fine. One evening 'di ako makatulog, until something inside me instructed me to text the words "i love you" to you. Honestly di ko alam kung saan nanggaling yung desisyon na yun, pero I did it anyway. And dun na nagstart.

Tayo na.

Pero hindi dun natapos yung challenge mo. Ang bago mong aim is to make my love for you 100%; kasi inamin ko naman sayo na yeah may feelings na ko sa'yo pero hindi pa buo. Ginawa mo lahat and I appreciated it. And I couldn't stress this enough: ginawa mo LAHAT.

Again, sige, fine. I told you na 100% na yung feelings ko sayo after natin magkita for... the 2nd or 3rd time.

...huh?

Yeah, sa ilang buwan na ligawan ek ek natin, nagkita lang tayo ng tatlo or apat na beses. Now, nung mga times na hopeless romantic ako, and that was nung high school ako, naniniwala ako na posibleng mangyari na pwede mong mahalin ang isang tao kahit nagsimula kayo sa text.

Pero that was before.

Ngayon na nag-mature (weh) na ang isip ko, i've realized stuff, and one of them e yung fact na hindi magandang pundasyon yung sa text lang nagsimula.

Now, we're having problems. Naiilang ako sayo kapag maya't maya mo gustong tumawag. Hindi ko alam kung ano irereact ko every time na may nakakakilig kang sasabihin sakin. Palagi na lang tayong di magkasundo. Oo, sumasagot ako ng 'i love you too' kapag sinasabihan mo ako ng 'i love you', pero we both know na parang KULANG.

Alam ko mahirap ang situation mo -- na hindi ka pwedeng basta basta lumabas kasi nga may inaalagaan ka ng anak at uber strict ng parents mo (parang high school lang?), pero... I'm sorry...

Para sakin...

..Kung gusto mo talaga na maging consistent ang nararamdaman ko sa'yo, kelangan mo nang gumawa ng paraan para magkasama tayo ng madalas. And i won't even tolerate any excuses na sana, kasi ang dami dami dami dami nagsasabi sakin na "KUNG GUSTO, MADAMING PARAAN."

Ang hirap hirap magkaron ng emotional investment sa taong bihira mong makita. Worse, kung magkikita nga kayo, wala din kayong privacy kasi laging may nakabuntot. Ako if gusto ko ang isang bagay, if gusto kong magkita tayo somewhere far away, na wala akong kabuntot, KAYA KO. Kasi it's for the sake of our relationship.

E ikaw? Kaya mo ba?

After re-reading all of these masasabi ko lang talaga na ang tigas tigas ng muka ko, pero totoo lahat yan. And ikaw, again kung mababasa mo 'to, i'm sorry pero wala na akong ibang naiisip na outlet para paglabasan ng sentiments ko kundi dito.

Nasasayangan ako sa "napundar" natin. Ayokong basta basta itapon na lang lahat. Pero kung gusto mo talagang ipaglaban 'to, please, ayoko na ng text or tawag lang.

Ikaw mismo yung kailangan ko.

Kailangan kita sa tabi ko. I will do everything for you and you can do the same for me, but please, sana ginagawa natin ang mga bagay ng magkasama tayo. Yan for me ang pinaka magandang pundasyon para sa isang relationship. Hindi yung sa text or tawag lang ang kilig moments natin.

Do your part, and i will definitely do mine as well. Ganun lang yun.

Ngayon, magtetext ako sa'yo, para makipag ayos. Para at least mabawasan yung bigat sa mga dibdib natin.

Pero that wouldn't mean na sure na sure na balik tayo as dati.

Sana destiny could find a way para mabasa mo 'to. Now that i think of it...

Fuck this shit. I am my own destiny.

And ako na mismo magsasabi na basahin mo 'to.

Saturday, March 9, 2013

I just need to let this out.

..arguing with someone na alam na yung takbo ng pag iisip mo is like a pencil na walang tasa: pointless. :D

..c'mon girl, ilang taon na tayo magkakilala (and di lang basta magkakilala,mind you), so malamang alam na alam ko na yung ugali mo na kahit buhol buhol na yung statements mo at wala nang sense e gagawa at gagawa ka pa din ng way para manalo sa arguments. -_-

..though yeah,fine,it's been a long time since nag argue tayo,and i kinda missed it :P

Thursday, March 7, 2013

My Son, the Emo.


..out of the blue, my five year old son AJ approached me and whispered: "..ang nakaraan ay past"

Me: ..yeah,so?
AJ: gusto kong bumalik sa past.
Me: ..para san?

..it took a while para makasagot sya, then finally he answered:

"..para ayusin ang pamilya natin."

..my mom was teary-eyed, and me, di ako makapaniwala sa narinig ko. seriously? this five year old booger na ang alam lang na topics e cars,toys,and politics (yes, politics) e makakaisip ng ganung bagay?

..if only pwede kong sabihin sa kanya na "it's too late, kid. masaya na kami ni mother mo sa situation namin ngayon" nang hindi sya iiyak, i would have.

Wednesday, March 6, 2013

Patriot nga, tanga naman.


..i don't get these people..
..nagagalit kayo sa malaysia dahil sa trato nila sa mga pinoy dun ngayon?
..tell me. in the first place alam nyo ba kung bakit ganun yung ginagawa ng malaysia sa mga pinoy? di ba dahil dun sa KSP na sultan na umeepal at nagkakakalat ng lagim dun sa malaysia dahil sa pilipinas daw ang sabah?

..if being makitid ang utak is what it takes to be some f@ckin "patriotic" pinoy, then kayo na lang. wag kayo ngangawa sa mga nanay nyo kapag nainis ang malaysia sa katangahan ng pinoy at pasabugin na lang tayo bigla,oks? :)